Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga ministro ng mga tanggulang pambansa nagkaisa laban sa terorismo

(GMT+08:00) 2017-10-25 18:54:42       CRI

MGA DEFENSE MINISTER NG TSINA AT PILIPINAS, NAG-USAP.  Makikita sa larawan si Chinese Defense Minister Chang Wangquang (kaliwa) at Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang kanilang bilateral meeting.  Walang pang lumalabas na detalyes ng kanilang pag-uusap.  (DND Photo)

NAGKASUNDO ang mga ministro ng tanggulang pambansa ng ASEAN at mga dialogue partner na magsama-sama sa pagsugpo sa problemang dulot ng mga terorista.

Ito ang buod ng "Chairman's Report" ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagtatapos ng dalawang araw na pagpupulong sa Clark Air Base sa Pampanga. Ayon sa pahayag ng Department of National Defense, bukod sa mga opisyal ng mga tanggulang pambansa ng ASEAN, nakasama rin sa pulong ang mga opisyal ng Australia, People's Republic of China, Republic of India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russian Federation at Estados Unidos. Dumalo rin ang secretary-general ng ASEAN.

Nagkasundo ang mga opisyal na ang problemang dulot ng mga terorista ay 'di malulutas ng nag-iisang bansa at 'di lamang problema ng iilang lipunan kungdi ng buong rehiyon. Nagkaisa ang mga opisyal na magtutulungan sa pagsugpo sa mga terorista at sa re-radicalization upang maaiwasan ang pagkalat ng kakaibang kaisipan.

Suportado ng mga lumahok sa pulong ang ginawa ng Pilipinas laban sa mga terorista sa Mindanao. Nangako rin silang tutulong sa abot ng kanilang makakaya at ayon sa pangangailangan ng Pilipinas.

Pinagusapan ang unang pahayag na inilabas ng mga defence minister noong Lunes, ika-23 ng Oktubre na nagsasabing maghahanap ng iba't ibang paraan upang masugpo ang terorismo sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng intelligence information at ibayong pagtutulungan.

Pinag-usapan din ang hinggil sa maritime security. Mahalaga rin ang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea kasabay ng pag-asang matatapos na ang Code of Conduct in the South China Sea upang manatili ang ibayong pagtitiwala sa isa't isa at mapatibay ang kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon.

Ipinarating din ng mga ministro ng tanggulang pambansa ang kanilang pagkabahala sa nagaganap sa Korean Peninsula at nanawagang wakasan ang tensyon sa pamamagitan ng diplomasya.

Kabilang din sa napag-usapan ang nagaganap sa State of Rakhine ng Myanmar at magiging epekto nito sa mga kalapit bansa sa Timog Silangang Asia.

Nagkaroon na rin ng turn-over ceremonies sa pagbibigay ng poder ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang Singaporean counterpart na mamumuno sa ika-limang ASEAN Defense Ministers Meeting at mga kaakibat na pulong tampok ang dialogue partners.

Samantala, nakipag-usap si Chinese Defense Minister General Chang Wangquan kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang tanggapan sa Campo Aguinaldo kanina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>