|
||||||||
|
||
Si Xi Jinping ay inihalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) nitong Oktubre 25, 2017.
Xi Jinping, lalaki, etnikong Han, ipinanganak noong Hunyo, 1953 at tubong Fuping, Probinsyang Shaanxi. Nagsimula siyang magtrabaho noong Enero, 1969 at umanib sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Enero, 1974. Nagtapos si Xi sa Paaralan ng Humanidad at Siyensiyang Panlipunan, sa Unibersidad ng Tsinghua, kung saan nagtapos siya sa in-service graduate program na Teoryang Marsismo, at Edukasyong Ideyolohikal at Pulitikal. Mayroon din siyang digri bilang Doktor sa Batas.
Si Xi ang kasalukuyang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC, Pangulo ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC), at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC
2013 - Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC
Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC
Pangulo ng Republikang Bayan ng Tsina
Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC
2012-2013 Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC
Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC
Pangalawang Pangulo ng PRC
Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC
2010-2012 Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC
Pangalawang Pangulo ng PRC
Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC
Pangulo ng Paaralan ng Partido Sentral
2008-2010 Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC
Pangalawang Pangulo ng PRC
Pangulo ng Paaralan ng Partido Sentral
2007-2008 Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC
Pangulo ng Paaralan ng Partido Sentral
2007 Kalihim ng Munisipal na Komite ng CPC sa Shanghai
Unang Kalihim ng Komite ng CPC sa Garrison Command ng Shanghai
2003-2007 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Zhejiang
Tagapangulo ng Standing Committee ng Pambayang Kongreso ng Probinsya ng Zhejiang
Unang Kalihim ng Komite ng CPC sa Pamprobinsyang Rehiyong Militar ng Zhejiang
2002-2003 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Zhejiang
Umaaktong Gobernador ng Probinsyang Zhejiang
Unang Kalihim ng Komite ng CPC sa Pamprobinsyang Rehiyong Militar ng Zhejiang
Pangalawang Tagapangulo ng National Defense Mobilization Committee sa Nanjing Military Area Command
Tagapangulo ng Zhejiang Provincial National Defense Mobilization Committee
2002 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal ng Komite ng CPC sa Zhejiang
Umaaktong Gobernador ng Probinsya ng Zhejiang
Pangalawang Tagapangulo ng National Defense Mobilization Committee ng Military Area Command ng Nanjing
Tagapangulo ng Provincial National Defense Mobilization Committee ng Zhejiang
2000-2002 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal ng Komite ng CPC sa Fujian
Gobernador ng Probinsyang Fujian
Pangalawang Tagapangulo ng National Defense Mobilization Committee ng Military Area Command ng Nanjing
Tagapangulo ng Provincial National Defense Mobilization Committee ng Fujian
Unang Politikal na Komisar ng Probinsyal na Anti-aircraft Artillery Reserve Division ng Fujian
Nag-aral ng in-service graduate program sa Teryang Marsismo at Ideyolohikal at Pulitikal na Edukasyon sa Paaralan ng Humanidad at Siyensiyang Panlipunan, Unibersidad ng Tsinghua, at ginawaran ng digri bilang Doktor sa Batas (1998-2002)
1999-2000 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Fujian
Umaaktong Gobernador ng Probinsyang Fujian
Pangalawang Tagapangulo ng National Defense Mobilization Committee ng Military Area Command ng Nanjing
Tagapangulo ng Provincial National Defense Mobilization Committee ng Fujian
Unang Politikal na Komisar ng Probinsyal na Anti-aircraft Artillery Reserve Division ng Fujian
1996-1999 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Fujian
Unang Politikal na Komisar ng Probinsyal na Anti-aircraft Artillery Reserve Division ng Fujian
1995-1996 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Fujian
Kalihim ng Munisipal na Komite ng CPC sa Fuzhou
Tagapangulo ng Standing Committee ng Munisipal na Pambayang Kongreso ng Fuzhou
Unang Kalihim ng Subrehiyonal na Komiteng Militar ng CPC sa Fuzhou
1993-1995 Miyembro ng Standing Committee ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Fujian
Kalihim ng Munisipal na Komite ng CPC sa Fuzhou
Tagapangulo ng Standing Committee ng Munisipal na Pambayang Kongreso ng Fuzhou
Unang Kalihim ng Subrehiyonal na Komiteng Militar ng CPC sa Fuzhou
1990-1993 Kalihim ng Munisipal na Komite ng CPC sa Fuzhou, Probinsyang Fujian
Tagapangulo ng Standing Committee ng Munisipal na Pambayang Kongreso ng Fuzhou, Probinsyang Fujian
Unang Kalihim ng Subrehiyonal na Komiteng Militar ng CPC sa Fuzhou
1988-1990 Kalihim ng Prepektural na Komite ng CPC sa Ningde Probinsyang Fujian
Unang Kalihim ng Subrehiyonal na Komiteng Militar ng CPC sa Ningde
1985-1988 Miyembro ng Standing Committee ng Munisipal na Komite ng CPC sa Xiamen, Probinsyang Fujian
Pangalawang Alkalde ng Xiamen
1983-1985 Kalihim ng Komite ng CPC sa County ng Zhengding, Probinsyang Hebei
Unang Politikal na Komisar at Unang Kalihim ng Departamento sa Ugnayang Militar ng CPC sa County ng Zhengding, Probinsyang Hebei
1982-1983 Pangalawang Kalihim ng Komite ng CPC sa County ng Zhengding, Probinsyang Hebei
1979-1982 Pang-opisinang Kalihim ng Pangkalahatang Tanggapan ng Lupong Pang-estado
Pang-opisinang Kalihim ng Pangkalahatang Tanggapan ng Sentral na Komisyong Militar (aktibong serbisyo)
1975-1979 Nag-aral ng pundamental na organikong sintesis sa Departmento ng Kemnikal na Inhenyariya, Unibersidad ng Tsinghua
1969-1975 Pansangay na Kalihim ng Edukadong Kabataan ng CPC, Brigada ng Liangjiahe, Wen'anyi Commune, County ng Yanchuan, Probinsya ng Shaanxi
Alternatibong miyembro ng Komite Sentral ng Ika-15 CPC
Miyembro ng Komite Sentral ng Ika-16 hanggang Ika-19 na CPC Miyembro ng Pulitburo at Standing Committee nito, at Sekretaryat ng Komite Sentral ng Ika-17 CPC
Miyembro ng Pulitburo at Standing Committee nito, at Sekretaryat ng Komite Sentral ng Ika-18 at Ika-19 na CPC
Naihalal na Pangalawang Pangulo ng PRC sa Unang Sesyon ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan (NPC)
Naitalagang Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC sa Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-17 Komite Sentral ng CPC
Naitalagang Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC sa Ika-17 Pulong ng Standing Committee ng Ika-11 NPC
Naitalagang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC sa Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC
Naihalal na Pangulo ng PRC at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng PRC sa Unang Sesyon ng Ika-12 NPC
Naitalagang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC sa Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC
Salin: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |