|
||||||||
|
||
Si Li Keqiang ay inihalal bilang miyembro ng Standing Committee ng Political Bureau ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) nitong Oktubre 25, 2017.
Li Keqiang, lalaki, etnikong Han, ipinanganak noong Hulyo, 1955 at mula sa Dingyuan, Probinsyang Anhui. Nagsimula siyang magtrabaho noong Marso, 1974 at umanib sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Mayo, 1976. Si Li ay nagtapos sa Unibersidad ng Peking sa kursong Batsilyer ng Batas. Dito rin niya nakumpleto ang kanyang in-service graduate program sa economics at nakuha ang digring Doktor sa Ekonomiya.
Si Li ay kasalukuyang miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, Premyer ng Lupong Pang-estado at Kalihim ng Leading Party Members Group nito.
2013- Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
Kalihim ng Leading Party Members Group ng Lupong Pang-estado
2008-2013 Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
Pangalawang Premyer ng Lupong Pang-estado
Pangalawang Kalihim ng Leading Party Members Group ng Lupong Pang-estado
2007-2008 Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC
2005-2007 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Liaoning
Kalihim ng Standing Committee ng Probinsyal na Kongresong Bayan ng Liaoning
2004-2005 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Liaoning
2003-2004 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Henan
Kalihim ng Standing Committee ng Probinsyal na Kongresong Bayan ng Henan
2002-2003 Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Henan
Gobernador ng Probinsya ng Henan
1999-2002 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Henan
Gobernador ng Probinsya ng Henan
1998-1999 Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa Henan
Umaaktong Gobernador ng Probinsya ng Henan
1993-1998 Unang Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Liga ng mga Kabataang Komunista (CYL)
Pangulo ng China Youth University of Political Studies (hanggang sa kasalukuyan)
Nagtapos sa in-service graduate program hinggil sa economics sa School of Economics, Unibersidad ng Peking at ginawaran ng mga digri na Master of Economics at Doctor of Economics (1988-1994)
1985-1993 Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CYL
Pangalawang Tagapangulo ng All-China Youth Federation (hanggang sa kasalukuyan)
Gumawa ng tuluy-tuloy na pag-aaral para sa probinsyal at ministeryal na lebel na opisyal sa Paaralan ng Partido Sentral (Sep-Nov 1991)
1983-1985 Alternatibong miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CYL
1983 Direktor ng Schools Department ng Komite Sentral ng CYL
Pangkalahatang Kalihim ng All-China Students' Federation (hanggang sa kasalukuyan)
1982-1983 Kalihim ng Komite ng CYL sa Unibersidad ng Peking
Miyembro ng Standing Committee ng Komite Sentral ng CYL
1978-1982 Mag-aaral sa Departamentong Pambatas ng Unibersidad ng Peking
Lider ng Students' Union sa Unibersidad ng Peking
1976-1978 Kalihim ng sangay ng CPC sa Brigada ng Damiao, Damiao Commune, County ng Fengyang, Probinsyang Anhui
1974-1976 Edukadong kabataan sa Brigada ng Dongling, Damiao Commune, County ng Fengyang, Probinsyang Anhui
Miyembro ng Ika-15 hanggang Ika-19 na Komite Sentral ng CPC
Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Ika-17 hanggang Ika-19 na Komite Sentral ng CPC
Miyembro ng Standing Committee ng Ika-8 NPC
Salin: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |