Idinaos ngayong araw sa Beijing ang isang preskon, hinggil sa ulat ng katatapos na Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Lumahok sa preskon sina Yuan Shuhong, Pangalawang Puno ng State Council Legislative Affairs Office; Le Rong, Puno ng Party Literature Research Office; Wang Xiaohui, Pangalawang Puno ng Policy Research Office; Yang Weimin, Pangalawang Puno ng Central Leading Group on Financial and Economic Affairs; Xiao Pei, Pangalawang Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection; at Jiang Jinquan, Pangalawang Komisyoner ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission. Ini-analisa nila ang mga detalyadong nilalaman ng naturang ulat.
Sinabi ng naturang mga awtorisadong personahe na, buong pagkakaisang sinang-ayunan sa kongreso ng mga kalahok ang paglalagay ng ideya ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC tungkol sa sosyalismong may katangiang Tsino sa konstitusyon ng partido. Nanawagan ito sa buong partido na palalimin ang pag-aaral sa ideyang ito upang gamitin ito sa proseso ng konstruksyon ng bansa at partido sa hinaharap.
Ipinahayag din nilang sa kalagayan ng pagpasok ng Tsina sa bagong panahon, sistematikong nilutas ng ideya ni Xi ang problema kung paanong igigiit at isusulong ang sosyalismong may katangiang Tsino.
Salin: Li Feng