Sa katatapos na Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinang-ayunan ang paglakip sa CPC Constitution ng ideya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, hinggil sa sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon. Ipinahayag ng mga eksperto, na ito ay mahalaga para sa mga usapin ng estado at partido ng Tsina.
Sinabi ni Wang Xiaohui, Pangalawang Puno ng CPC Policy Research Office, na ang matatag na paglilipat ng liderato ng Tsina, at mga desisyong ginawa sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, ay nagpapakitang patuloy ang Tsina sa mga isinasagawang patakaran at hakbangin. Nananalig aniya siyang patitingkarin ng Tsina ang mas mahalagang papel sa daigdig, at idudulot ang mas malaking benepisyo sa mga tao.
Ipinahayag naman ni Jiang Jinquan, Pangalawang Komisyoner ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission, na dapat pahalagahan ang mga suliranin ng mga mamamayan, at gawing misyon ng partido ang hangarin ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay. Dapat aniyang magsikap ang bawat tao sa sariling puwesto, para magbigay ng ambag sa pagsasakatuparan.
Salin: Li Feng