Sa isang porum hinggil sa Kooperasyon ng Tsina at Malaysia at konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative na idinaos Biyernes, Oktubre 27, 2017 sa Kuala Lumpur, nagbigay ng mataas na pagtasa ang mga dalubhasang Tsino at Malaysian sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative.
Sinabi ni Abdul Majid Ahmad Khan, Presidente ng Malaysia-China Friendship Association at dating Embahador ng Malaysia sa Tsina, na ang pag-unlad ng kanyang bansa ay may kaugnayan sa konstruksyon ng konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative at sa hinaharap, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang konstruksyon nito.
Sinabi ni Zhai Kun, Propesor ng Peking University ng Tsina, na ang "Belt and Road" Initiative ay mahalagang paraan para maisakatuparan ang Community of Shared Future for Mankind.
Sinabi naman ni Leong Choon Heng, Propesor ng Sunway University ng Malaysia, na ang nasabing konstruksyon ay nakakabuti sa pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng mga bansa. Sinabi pa niyang ito'y makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan, pagpapalitan ng kultura at pagkaunawaan sa isa't isa sa pagitan ng mga kasangkot na bansa.