Pinapurihan kamakailan ni Oh Ei Sun, Senior Advisor ng Asian Strategy and Leadership Institute (ASLI) ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong pag-unlad. Aniya, umaasa ang mga kapitbansa na ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang pagsasagawa ng "Belt and Road" Initiative pagkaraan ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Communist Party of China (CPC).
Idaraos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC sa Beijing sa ika-18 ng Oktubre. Ipinahayag ni Oh na pagkaraang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, iniharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative, pagtatatag ng community of shared future for mankind at iba pang ideya ng diplomasiya, at natamo ang positibong bunga.
salin:Lele