Biyahe ng Pangulong Amerikano sa Tsina, makakatulong sa matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano-Tagapagsalitang Tsino
(GMT+08:00) 2017-11-01 09:50:48 CRI
Beijing-Ipinahayag Oktubre 31, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang isinasagawa ng Tsina at Amerika ang mahigpit na pagkokoordinahan para sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Donald Trump sa Tsina. Nananalig aniya siyang ang biyaheng ito ay gaganap ng konstruktibong papel sa binubuong kapaligiran ng relasyong Sino-Amerkano sa hinaharap. Dagdag pa niya, makakatulong din ito sa ibayo pang pagpapasulong ng matatag at malusog na pagtutulungan ng dalawang panig. Ito rin aniya ay angkop, hindi lamang sa mithiin ng mga mamamayang Amerikano, kundi maging sa komong interes ng rehiyon at daigdig.
May Kinalamang Babasahin
Comments