Lalahok si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa ika-25 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Danang, Biyetnam, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa bansang ito. Ipinahayag kamakailan ni Phung Huu Phu, Pirmihang Pangalawang Tagapangulo ng Komisyon ng Teorya ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, na patitingkarin ng nasabing pagdalaw ang lakas-panulak para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ibayo rin nitong pasusulungin ang pagpapalitan ng dalawang partido, dagdag pa niya.
Sinabi ni Phung Huu Phu na ang gaganaping dalaw-pang-estado ni Xi sa Biyetnam ay kauna-unahang pagdalaw ng lider ng partido at bansa ng Tsina pagkatapos ng ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC. Nagpapakita aniya ito ng kahalagahan ng relasyong Sino-Biyetnames.
Salin: Vera