Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-3 ng Nobyembre 2017, ng Ministring Panlabas ng Tsina, mula ika-10 hanggang ika-11 ng buwang ito, dadalo si Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Da Nang, Biyetnam. Pagkatapos nito, mula ika-12 hanggang ika-14, isasagawa rin ni Xi ang dalaw-pang-estado sa Biyetnam at Laos.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapalakas ng kooperasyon ng APEC. Umaasa aniya ang panig Tsino, na matatamo ng naturang pulong ang bunga sa pagpapaplano ng kooperasyon ng APEC sa hinaharap, paggagalugad ng bagong lakas para sa pag-unlad ng Asya-Pasipiko, at pagpapanatili ng pagbubukas ng rehiyong ito.
Kaugnay naman ng pagdalaw ni Xi sa Biyetnam at Laos, ipinahayag ni Chen Xiaodong, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ay magbibigay ng bagong pagkakataon at bagong lakas sa relasyon at kooperasyon ng Tsina sa naturang dalawang bansa, at maging sa buong Timog-silangang Asya.
Salin: Liu Kai