Ang ika-25 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay idaraos mula ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre sa Da Nang ng Biyetnam. Kaugnay nito, ipinahayag ni Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na umaasa siyang gaganap ang Tsina ng positibong papel sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan at teknolohiya.
Sinabi niyang mahigpit na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang tunguhin ng pag-unlad ng Tsina pagkatapos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na idinaos noong nagdaang Oktubre, kaya gusto ng mga kalahok na lider na isagawa ang diyalogo kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa isyung ito.
Bukod dito, sinabi niyang ang karanasan ng pag-unlad ng Tsina ay makakatulong din sa pag-unlad ng kabuhayan ng Thailand at buong ASEAN.
Salin: Ernest