Bilang bahagi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Week para sa taong 2017, pormal na nagbukas Huwebes, Nobyembre 9, 2017, ang APEC Park sa Da Nang, Biyetnam, kung saan idinidispley ang nagawang sculpture ng mga alagad ng sining mula 21 kasaping ekonomiya ng APEC.
Sina Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina (sa kanan) at Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina (sa kaliwa) sa APEC Park
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng parkeng ito si Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam, at ang mga kinatawan mula iba pang ekonomiya ng APEC. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pham Binh Minh ang pag-asang magiging simbolo ng diwa ng inobasyon, kasiglahan, at kooperasyon ang parkeng ito.
Salin: Li Feng