Ipinahayag nitong Sabado, Nobyembre 11, 2017 ng Ministri ng Enerhiya, Industiya at Mina ng Saudi Arabia na pinahigpit nito ang gawaing panseguridad sa lahat ng mga pasilidad ng langis ng bansa para mapigilan ang pagkaganap ng katulad na insidente ng teroristikong pag-atake sa tsanel ng paghahatid ng mga langis sa Bahrain.
Pero, binigyang-diin ng bansang ito na patuloy na ipagkakaloob ang sapat na enerhiya sa Bahrain.
Noong gabi ng ika-10 ng Nobyembre, sumabog ang isang tsanel ng paghahatid ng mga langis sa dakong timog ng Manama, kabisera ng Bahrain. Ipinahayag ng Ministri ng Suliraning Panloob ng bansang ito na ang pagsabog ay dulot ng teroristikong pag-atake.