SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na angkop ang 31st ASEAN Summit upang pag-usapan ang mga isyung bumabalot sa rehiyon at sa daigdig.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 31st ASEAN Summit sa Cultural Center of the Philippines, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa mga kapwa pinuno ng ASEAN sa tulong na ipinarating sa gitna ng digmaan sa Marawi City. Mahalaga ang tulong ng ibinahagi para sa mga lumikas na mamamayan at sa operasyon ng militar laban sa mga terorista.
Idinagdag pa niyang ang terorismo at violent extremism ang siyang nagdudulot na hamon sa kapayapaan, katatagan at seguridad ng rehiyon sapagkat ang mga peligrong dulot ng mga nanggugulo ay walang kinikilalang hangganan.
Kabilang sa nararapat ding pag-usapan ang problemang dulot ng pamimirata at pangloloob na sumasagka sa kaunlatan at pumipigil at sa katatagan ng pangrehiyon at pangdaigdigang kalakal. Nabanggit din ang problemang dulot ng droga na pumipinsala sa lipunan.
Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kapwa pinuno sa paglagda sa kasunduang titiyak ng kaligtasan ng mga manggagawang na sa iba't ibang bansa sa rehiyon.