Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalaw ni Premyer Li sa Pilipinas, ibayo pang magpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino

(GMT+08:00) 2017-11-12 10:36:02       CRI

"Ibayo pang pasusulungin ng napipintong pagbisita sa Pilipinas at pagdalo sa leaders' meeting ng East Asia Cooperation ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang relasyong Sino-Pilipino."

Ito ang ipinahayag ni Ambassador Zhao Jianhua, Sugo ng Tsina sa Pilipinas sa kanyang artikulong ipinalabas kamakailan.

Ang gagawing biyahe ni Premyer Li ay kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas ng isang Chinese premier sa nakalipas na 10 taon.

Dadalaw si Li sa Pilipinas at dadalo sa serye ng high-level meetings mula Nobyembre 12 hanggang 16 na kinabibilangan ng 12th East Asia Summit, 20th China-ASEAN (10+1) leaders' meeting, at 20th ASEAN-China, Japan and South Korea (10+3) leaders' meeting.

Idinagdag pa ng ambassador na bilang traditionally-friendly countries, naabot ng China at Pilipinas ang malaking pagsulong sa bilateral relations simula nang maitatag ang diplomatic ties 42 taon na ang nakalipas.

Ipinagdiinan din ni Ambassador Zhao na ang Belt and Road Initiative (OBOR) na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan ay nakaayon sa "Ambisyon Natin 2040" at "Build Build Build plans" ng Pilipinas, kaya marami nang natamo at matatamong bunga ang dalawang bansa sa pagtutulungan sa konstruksyon ng Imprastruktura.

Inulit ni Ambassador Zhao ang buong-tatag na suporta ng Tsina sa pagsisikap ng Pilipinas sa pakikibaka laban sa droga at paglaban sa terorismo sa Marawi. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa rekonstruksyon at rehabilitasyon sa Marawi.

Sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat, at ika-4 na destinasyon ng mga exports ng Pilipinas.

Naniniwala si Amb. Zhao na kapuwa masasamantala ng Tsina at Pilipinas ang pagdalaw ni Premyer Li sa bansa para makalikha ng ginintuang panahon ng ugnayang Sino-Pilipino at magkasamang makapag-ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.

Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, ipinaalala ni Zhao na ang 2018 ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at nanawagawan ito sa magkabilang panig na samantalahin ang oportunidad na magkaisa at magtulungan para sa higher-level strategic partnership at paglapitin ang China-ASEAN community of shared future.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>