Upang baguhin ang ideya ng mga mamamayan na mahina ang deposito at di-makatuwirang konsumo, nabuo Martes, Nobyembre 14, 2017, ng pamahalaan ng Brunei ang National Financial Literacy Council. Layon nitong isulong ang kultura ng pagtitipid at pagiimpok sa lipunan.
Sa unang sesyong plenaryo ng nasabing konseho, ipinahayag ni Crown Prince Al-Muhtadee Billah na ang pagbubuo ng konsehong ito ay makakapagbigay-tulong sa mga mamamayan nito na gumawa ng matalino at mabisang kapasiyahang pangkonsumo alinsunod sa kanilang sariling kalagayang pinansiyal.
Salin: Li Feng