Nakipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Setyembre 2016, sa Beijing si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, kina Lim Jock Seng, Ika-2 Ministrong Panlabas at Pangkalakalan, at Mohammad Yasmin Umar, Ministro ng Enerhiya at Industriya ng Brunei.
Ipinahayag ni Wang, na laging itinuturing ng Tsina ang Brunei, bilang maaasahan at matalik na kaibigan at katuwang sa rehiyong ito. Dapat aniya pasulungin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, para magbigay ng bagong lakas sa bilateral na kooperasyon. Dagdag ni Wang, hinahangaan ng Tsina ang paggigiit ng Brunei sa obhektibo at makatarungang paninindigan sa isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai