|
||||||||
|
||
Ayon sa opisyal na estadistika ng Pilipinas, noong unang walong (8) buwan ng kasalukuyang taon, lumampas sa 640 libo ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas na katumbas ng 14.4% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang turista doon. Ang Tsina ay nagsisilbing ika-3 pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas.
Ayon sa pagtaya, posibleng lalampas sa isang milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas. Maaaring malampasan ng Tsina ang Amerika upang maging ika-2 pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas.
Ipinahayag ng may kinalamang tauhan ng Tourism Department ng Pilipinas na palalakasin ang pagpapalaganap at promosyong panturismo sa mga lunsod ng Tsina, at patuloy ding pabubutihin ang mga produktong panturismo at serbisyo para sa mga turistang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |