|
||||||||
|
||
Nilagdaan ng Tsina at Pilipinas kamakailan ang Memorandum of Understanding (MoU) sa kooperasyong panturismo. Ito ay posibleng makapagpasigla sa napakabilis na paglaki ng bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas sa malapit na hinaharap. Sa kasalukuyan, inilabas na ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina ang patalastas na humuhiling sa mga kaukulang departamento na bigyang-ginhawa ang mga turistang Tsino sa Pilipinas.
Una rito ay ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, ang pagpapawalang-bisa ng panig Tsino sa travel advisory na nakatuon sa Pilipinas.
Ayon sa mga tagapag-analisa, kasunod ng pagbuti ng relasyong Sino-Pilipino, sasalubungin ng paglalakbay sa Pilipinas ang isang panahon ng napakabilis na paglaki.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |