Budapest, Hungary-Idinaos Nobyembre 27, 2017 ang paggunita sa ika-5 anibersaryo ng mekanismong pandiyalogo ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa ("16+1" Cooperation).
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na nitong limang taon nakalipas, mabunga at masigla ang mekanismo ng "16+1" Cooperation. Ito aniya'y nagpasulong sa magkasamang pag-unlad ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa, at nagpalawak sa ginhawa ng mga mamamayan ng nasabing mga kasaping bansa at rehiyon. Nananalig ainya siyang magtatamo ng mas malaking tagumpay ang pagtutulungan ng dalawang panig sa hinaharap.
Tinanggap naman ng mga kalahok ang pananalita ng Premyer Tsino.