|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2017, sa Budapest, kabisera ng Hungary, ang Ika-6 na Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa. Lumahok sa summit si Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng 16 na bansa sa Gitna at Silangang Europa.
Ang taong ito ay ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitna at Silangang Europa. Nitong 5 taong nakalipas, lumampas sa 10% ang taunang paglaki ng halaga sa pagitan ng Tsina at naturang mga bansa, at nagdoble rin ang pamumuhunan ng Tsina sa rehiyong ito.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Premyer Li, na ang mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitna at Silangang Europa ay naitatag sa background ng globalisasyon. Ito aniya ay paborable sa pagpapasulong ng malayang kalakalan at pagbibigay-ginhawa sa pamumuhunan. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng mekanismong ito, naging mas balanse ang relasyon sa pagitan ng Tsina at buong Europa.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary, na ang Tsina ay mahalagang katuwang ng mga bansa sa Gitna at Silangang Europa, lalo na sa aspekto ng teknolohiya at pinansyo. Ang kanilang kooperasyon aniya ay makakabuti hindi lamang sa kapwa panig, kundi rin sa buong Europa.
Sa nasabing summit, narating ng dalawang panig ang mga bagong kooperasyon, at isa sa mga ito ay pagtutulungan nila sa pangangalap at pagkakaloob ng pondo para sa mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |