Nag-usap sa telepono Miyerkules, Nobyembre 29, 2017 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos.
Nagkasundo ang dalawang pangulo na ang pagdalaw ni Pangulong Trump sa Tsina noong unang dako ng buwang ito ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Sumang-ayon din silang panatilihin ang mahigpit na komunikasyon at koordinasyon hinggil sa mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag ni Pangulong Trump ang pagkabalaha sa muling paglunsad ng Hilagang Korea (DPRK) ng ballistic missile. Ipinahayag din niya ang pagpapahalaga ng Amerika sa papel ng Tsina sa paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Ipinagdiinan naman ni Pangulong Xi na ang pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Korean Peninsula, pangangalaga sa pandaigdig na sistema ng di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear at pagpapanatili ng katatagan ng Hilaga-silangang Asya ay di-nagbabagong adhikain ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang mga may kinamalang panig na kinabibilangan ng Amerika, para mapayapang malutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula, sa pamamagitan ng diyalogo.
Salin: Jade
Pulido: Mac