|
||||||||
|
||
Ayon sa meteorological department ng Thailand, dahil sa tuluy-tuloy na monsoon rain, malubhang baha ang naganap sa 12 lalawigan sa katimugan ng Thailand, na gaya ng Songkla, Yala, at Pattani.
Sa kasalukuyan, ang Yala ang pinakamalubhang apektado ng kalamidad at may 200,000 mamamayan ang apektado ng baha. Samantala, 1,200 ektaryang bukirin ang lumubog sa baha. At ilampung paaralan naman sa mga purok-kalamidad ang isinara.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |