Putrajaya, kabiserang administratibo ng Malaysia — Pinasinayaan nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, 2017, ang 2017 China-ASEAN Film Festival na dinaluhan ng ilang daang opisyal at film makers mula Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pitong pelikulang Tsino na gaya ng "Wolf Warriors II" ang lumahok sa kapistahang ito.
Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, sa mungkahi ng ASEAN-China Center (ACC), magkasamang itinaguyod ng China-ASEAN Association (CAA) at State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina ang naturang kapistahan.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Lin Yi, Pangalawang Puno ng CAA, na layon ng unang China-ASEAN Film Festival na palakasin ang pagpapalagayang di-pampamahalaan ng Tsina at ASEAN sa pamamagitan ng pelikula, palalimin ang pag-uunawaan ng dalawang panig sa kultura ng isa't-isa.
Dalawampu't siyam (29) na pelikulang Tsino at ASEAN ang kalahok sa nasabing kapistahan.
Salin: Li Feng