Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Christian Bautista, lalahok sa 2017 China ASEAN Friendship Concert

(GMT+08:00) 2017-12-07 17:52:27       CRI

Si Christian Bautista

Hindi nagdadalawang isip at laging "Oo" agad ang sagot ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista kapag inaalok siyang kumatawan sa Pilipinas sa mga cultural events sa ibang bansa.

Dumating ngayong araw, Disyembre 7, 2017 sa Zhengzhou, Henan, Tsina ang kilalang mang-aawit para lumahok sa 2017 China-ASEAN Friendship Concert.

Sa panayam ng China Radio International Serbisyo Filipino, sinabi ni Christian Bautista na makabuluhan ang concert dahil alok nito'y pagkakataong magbahaginan ng kultura, mga kanta, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at koneksyon sa industriya. Diin niya ang 2017 China ASEAN Friendship Concert ay nagpapaalala sa kanyang sarili at maging sa lahat ng kasali, na lahat ay nagkakaisa o "We Are One."

Aawitin ni Christian ang "Kapit" sa konsiyerto na gaganapin Biyernes, Disyembre 8, ganap na 7:30 ng gabi sa Zhengzhou International Conference and Exhibition Center. Pinili niya ang awiting ito dahil panawagan itong huwag bumitiw sa panahon ng kahirapan. At sa pagtatanghal maipapakita ang pagkapit ng isa't isa sa pamamagitan ng kultura at sining sa panahon ng mga pagsubok na dinadanas ng maraming lugar sa iba't ibang panig ng daigdig. Aniya pa gagawin ni Bautista ang lahat upang maiparamdam at maiparating ang kahulugan ng "Kapit" sa mga manonood ng konsiyerto.

Bukod sa OPM na kanyang aawitin, makikipag-duet din si Christian Bautista sa isang singer na Tsino at kanilang aawitin ang "Because of Love." Aniya "I'm excited to sing the duet and the group song. It's always nice getting to know new artists from all over ASEAN and China."

Ito ang unang pagtatanghal ni Christian Bautista sa Tsina at may kaunti siyang kaba. Paliwanag niya kailangan ito ng isang performer dahil ibig sabihin nito nais na ibigay ng singer ang lahat sa kaniyang pagkanta.

Ang 2017 China ASEAN Friendship Concert ay itinataguyod ng China Radio International at Zhengzhou People's Broadcasting Station. Ito ang ikatlong staging ng konsiyerto. Una itong itinanghal sa Beijing noong 2015, at noong 2016 ginanap ito sa Haikou, Hainan, Tsina kung saan naging kinatawan ng Pilipinas si Yeng Constantino.

Ulat : Mac Ramos

Larawan: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>