Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mang-aawit ng 10 bansang ASEAN at Tsina, magtatanghal para sa pagkakaibigan

(GMT+08:00) 2015-12-14 17:07:07       CRI

Idaraos sa Beijing ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert sa ika-16 ng buwang ito. Lalahok at magtatanghal sa komsiyerto ang mga mang-aawit mula sa 10 bansang ASEAN at Tsina. Ito ay nasa makasamang pagtatangkilik ng mga media ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), People's Television Network (PTV), China Radio International (CRI), at Guangxi TV ng Tsina.

Ang concert na may temang "Our Region, Our Song," ay naglalayong ipakita ang makukulay na kultura ng musika ng Tsina at mga bansang ASEAN, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Kalahok sa konsiyerto ang 10 mang-aawit na Tsino at 10 mang-aawit mula sa mga bansang ASEAN, na kakanta ng kani-kanilang mga katutubong awit.

Si Aldrich Lloyd Talonding at kanyang partner na si James Walter Bucong (guitarist) ng Pilipinas ay dumating na sa Beijing para sa nasabing pagtatanghal.

Kakantahin ni Talonding ang "Anak" ni Freddie Aguilar. Ang iba pang mga mang-aawit ng ASEAN ay sina:

Sri Nazrina mula sa Brunei: aawitin niya ang "Anak Durhaka"; Ma Chanpanha mula sa kambodya, aawitin niya ang "Autumn"; Bunga Citra Lestari mula Indonesya, at aawitin niya ang "True Love"; Kai Overdance mula sa Laos, aawitin niya ang "Champa flower"; Asmidar Ahmad mula sa Malaysia, aawitin niya ang "Wau Bulan"; A Sai mula sa Myanmar, aawitin niya ang "Thanakha"; Tay Kewei mula sa Singapore, aawitin niya ang "Home"; Tanon Jumroen mula sa Thailand, aawitin niya ang "Love Great Charm"; Ta QuangThang mula sa Byetnam, aawitin niya ang "Water-ferns Drift, Clouds Float".

Ang mang-aawit naunang Tsino na lalahok sa palabas, ay sina Wang Li, Bei Bei, Wang Sulong, Yu Kewei, Ma Di, Xu Yina, Uda Мод, Xiong Rulin, at Wang Xiaomin.

Nauna rito, ini-shoot ng CRI at Guangxi TV ang documentary film na pinamagatang "Our Region Our Song" sa iba't ibang bansa ng ASEAN. Hinanap nila ang mga kanta na maaaring magpakita ng iba't ibang kultura ng mga bansa.

Ayon sa plano, isasahimpapawid ang nasabing documentary film at mga programa ng "2015 China-ASEAN Friendship Concert" sa mga kalahok na media ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilagan ng PTV ng Pilipinas, mga plataporma sa iba't ibang wika ng CRI, Guangxi TV ng Tsina at iba pa.

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>