Binuksan Huwebes, Disyembre 7, 2017, ang unang "South-South Human Rights Forum." Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas sa Beijing, ipinihayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang mga umuunlad na bansa ay nagiging mahalagang lakas para mapasulong ang progreso ng karapatang pantao.
Tinukoy niyang dapat itatag ang bagong relasyong pandaigdig na may paggalang sa isa't isa, pagkakapantay at katarungan, at may win-win situation, para mapasulong ang pagtatayo ng community of shared future for mankind. Ito aniya ng magsasakatuparan sa progreso ng lipunan, magpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at saligang liberalisasyon.
salin:Lele