Ipinahayag ng National Anti-corruption Commission ng Thailand, na isinumite na kamakailan ang aplikasyon sa Kataas-taasang Hukuman ng bansa upang muling hilingin na suriin ang dalawang malaking fraud cases na kinasasangkutan ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra na kinabibilangan ng lottery fraud case at kaso ng ilegal na pautang ng bangko.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng naturang komisyon na dahil sa pagtakas ni Thaksin sa labas ng bansa, napilitang suspendihin ang paghawak sa naturang dalawang kaso. Ngunit, alinsunod sa kaukulang tadhana ng bagong criminal procedure law na nagkabisa noong katapusan ng nagdaang Setyembre, 2017, puwede aniyang ituloy ang paghawak sa mga napilitang suspendihing kaso. Sa paunang kondisyong may katotohanan ang mga ebidensya, puwedeng gawin ng hukuman ang sintensya kahit wala ang akusado sa hukuman.
Salin: Li Feng