Sinabi noong Huwebes, ika-21 ng Abril 2016, ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand na si dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra ang siyang nasa likod ng ilang demonstrasyon na naganap sa loob ng bansa. Pinabulaanan naman ni Noppadon Pattama, tagasuporta kay Shinawatra at dating Ministrong Panlabas ng bansa, ang pananalita ni Prayut.
Ilang demonstrasyong kontra pamahalaang militar ang naganap kamakailan sa Bangkok. Hiniling ng mga demonstrator na palayain si Watana Muangsook, nukleong miyembro ng Pheu Thai Party na kinulong mula noong ika-18 ng buwang ito. Nauna rito, maraming beses na tinutulan ni Watana ang panukalang konstitusyon sa social media, at binatikos ang pamahalaang militar. Sinabi ng pamahalaan na dinakip siya dahil sa paglabag sa kasunduang narating nila ng pamahalaan.
Salin: Vera