Ipinahayag kamakailan ng Ministri ng Pampublikong Kalusugan ng Thailand na batay sa pambansang programa na nagsimula nitong nagdaang Oktubre, binabalak ng bansa na pawiin ang malaria sa buong bansa sa taong 2021. Kasabay nito, babawasan ng Thailand nang di-kukulangin sa 25% ang mga nagkakaroon ng dengue sa 2021.
Ayon sa nasabing ministring Thai, pagpasok ng taong ito, umabot sa 14,000 ang kaso ng malaria ng bansa. Ito ay mas mababa ng 20% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2016.
Salin: Jade
Pulido: Mac