|
||||||||
|
||
Kasabay ng panggagamot sa mga karaniwang may-sakit na taga-Timor Leste, nagbigay din ang mga doktor na Tsino ng physical check-up at panggagamot sa ilampung beterano. Isa sa mga beterano ay ooperahan para matanggal ang natitirang shrapnel sa katawan na dulot ng digmaan. Pinasalamatan niya ang magaling na serbisyong medikal ng mga doktor na Tsino. Ipinahayag din niya ang paghanga sa mga sulong na pasilidad sa hospital ship.
Sapul nang isaoperasyon ang Peace Ark Hospital Ship noong 2008, mahigit 170,000 may-sakit mula sa 36 na bansa't rehiyon ang nagamot nito. Ang Timor Leste ay ika-37 bansang dinalaw ng hospital ship. Bago dumating ang bapor sa nasabing bansa, nagkaloob ito ng libreng panggagamot sa pitong bansang Aprikano.
Noong 2013, ang Peace Ark ay nagkaloob din ng walang-bayad na serbisyong medikal sa mga biktimang Pilipino ng Super Typhoon Haiyan (Yolanda).
Pagdating ng Peace Ark Hospital Ship ng Dili, Timor Leste, Disyembre 14, 2017.
Mga mamamayang taga-Timor Leste habang sumasalubong sa Peace Ark Hospital Ship ng Dili, Timor Leste, Disyembre 14, 2017.
Mga kinatawang taga-Timor Leste habang dumadalaw sa Peace Ark Hospital Ship, kasama ng mga tauhang medikal na Tsino sa Dili, Timor Leste, Disyembre 14, 2017.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |