Bilang mapagkaibigang kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa larangang pangkalusugan, natapos Disyembre 23, 2017 ang proyekto ng pagkukumpuni sa Ospital ng Daw Khin Kyi ng Myanmar.
Nang araw ring iyon, idinaos sa Yangon ang inagurasyon ng nasabing ospital. Dumalo sa pagtitipon sina Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, Li Xiaoyan, Change D' Affairs ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, at mga may-kinalamang kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang panig.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa larangang pangkalusugan ng bansa, na kinabibilangan ng nasabing ospital. Ito aniya'y hindi lamang magbibigay ng mas mabuting serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Myanmar, kundi makakatulong din sa pag-unlad ng bansa.