December 21 at 22, dumalaw sa Myanmar ang delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pinamumunuan ni Wang Weiguang, Puno ng Chinese Academy of Social Sciences.
Kinatagpo ang delegasyon ni Win Myint, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar, at mga lider ng mga partido ng bansang ito. Isinalaysay rin ng delegasyon sa iba't ibang sirkulo ng Myanmar ang kalagayan ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, na idinaos noong nagdaang Oktubre ng taong ito.
Hinahangaan ng panig ng Myanmar ang mga bungang natamo ng CPC. Ipinahayag din nila ang kahandaang palakasin, kasama ng Tsina, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, para pasulungin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai