Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, mabilisang umuunlad ang pagpapalitang panturismo ng Tsina at Kambodya sa kasalukuyang taon. Mula Enero hanggang Nobyembre, lumampas sa isang milyon ang bilang ng mga turistang Tsino na nagtungo sa Kambodya, at ang Tsina ang mabilis na nagiging pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan ng bansa.
Ayon sa awtoridad na pantursimo ng Kambodya, noong unang 10 buwan ng taong ito, umabot sa 4.3 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa bansa. Ito'y mas malaki ng 10% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, at 950 libo nito ay mula sa Tsina.