Sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, nagtagpo sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Prak Sokhonn ng Kambodya.
Positibo ang dalawang ministro sa tradisyonal na pagkakaibigan, malawak na kooperasyon, at malalim na pagtitiwalaan ng Tsina at Kambodya.
Ipinahayag din nila ang kahandaang, magkasamang pasulungin ang LMC, lalung-lalo na, ang konstruksyon ng economic development belt sa Lancang-Mekong River.
Salin: Liu Kai