|
||||||||
|
||
Nagsisikap ang Tsina para ilakip sa International Civil Aviation Organization at ibang pandaigdig na sistema ang BeiDou navigation at positioning system ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Ran Chengqi, Tagapagsalita ng BeiDou system, sa isang preskon Miyerkules, Disyembre 27, 2017, sa Beijing, sa okasyon ng ika-5 anibersaryo ng pagsasa-operasyon ng nabanggit na sistema.
Preskon na inihandog ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, Disyembre 27, 2017. (CRI)
Nitong limang taong nakalipas, ang BeiDou ay malawakang ginagamit sa mga sektor ng Tsina na gaya ng pampublikong seguridad, transportasyon, pangingisda, koryente, panggugubat, at paghahanap at pagliligtas. Nagiging compatible rin ito sa mga local smartphone chips ng Tsina, at mga pangunahing cellphone chips ng daigdig. Nakainstala rin ito sa bike sharing system, mga relos, wrist band, ID card ng mga estudyante at iba pa.
Kumpara sa mga pangunahing positioning syetem ng daigdig na gaya ng Global Positioning System (GPS) ng Estados Unidos, Galileo Satellite Navigation System ng Europa, Glonass Navigation Satellite System ng Rusya, ang BeiDou ay tanging sistema kung saan pinagsasama ang telekomunikasyon at nabigasyon. Sa kasalukuyan, naging compatible ang BeiDou system sa GPS ng Estados Unidos.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |