Xichang, probinsyang Sichuan ng Tsina — Sakay ng Long March-3B carrier rocket, matagumpay na inilunsad Linggo, Nobyembre 5, 2017, ng Tsina ang dalawang BeiDou-3 navigation satellites. Ito ang unang paglulunsad ng BeiDou-3 satellites, at sagisag ng pagpasok ng BeiDou Navigation Satellite System ng Tsina sa bagong siglo ng global network.
Sinabi ni Yang Changfeng, Pangkalahatang Tagapagdisenyo ng China BeiDou Navigation Satellite System, na makaraang pumasok ang satellite sa orbit, isasagawa ng mga ito ang mga may-kinalamang pagsubok at network verification. Bukod dito, napapanahon aniya nilang isasagawa ang mga kaukulang serbisyo.
Salin: Li Feng