Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang unang balita ay may kinalaman sa pagpapatupad ng Thailand ng bagong saligang batas.
Noong Abril 6, 2017, lumagda sa bagong konstitusyon si Haring Rama X Maha Vajiralongkorn ng Thailand. Ayon sa nasabing konstitusyon, magsasagawa ang Thailand ng unang pambansang halalan sapul nang isagawa ang kudeta noong 2014. Noong Oktubre 10, ipinatalastas ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha na isasapubliko ang petsa ng pambansang halalan sa Hunyo, 2018 at idaraos ang halalan sa Nobyembre, 2018.
Salin: Jade
Pulido: Rhio