|
||||||||
|
||
Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang nasabing mga balita ay ang mga sumusunod:
Una, ang Thailand ay nagsimulang ipatupad ang bagong konstitusyon.
Pangalawa, nagtagumpay ang Pilipinas sa pakikibaka laban sa mga terorista sa Marawi.
Pangatlo, isinapubliko ng dalawang anak ni Lee Kuan Yew, dating punong ministro ng Singapore ang alitan sa pamilya. Nakatawag ito ng malawak na pansin sa lipunan ng nasabing bansa.
Pang-apat, opisyal na pinawalang-bisa ng Indonesia ang katayuang legal ng Hizbut Tahrir (HTI).
Panlima, nagkaroon ng kapansin-pansing progreso ang talastasan hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, at Tsina at ibang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Pang-anim, ipinagdiwang ng ASEAN ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag.
Pampito, idinaos ang unang diyalogo sa pagitan ng mga lider ng Asia-Pacific Ecnomic Cooperation (APEC) at ASEAN.
Pangwalo, idinaos sa Pilipinas ang unang pulong ng mga lider ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Pansiyam, nagpasiya ang Kataas-taasang Hukuman ng Kambodya na itiwalag ang Cambodia National Rescue Party (CNRP).
Pansampu, nilagdaan ng Myanmar at Bangladesh ang kasunduan hinggil sa pagpapauwi ng mga tumakas mula sa Rakhine State, Myanmar.
Ilalabas din ang nasabing mga balita sa mga plataporma ng mga media partner ng CRI sa Timog-silangang Asya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |