Ipinahayag Enero 2, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong 15 taong nakalipas, gumagawa ang Pakistan ng malaking ambag para sa pagbibigay-dagok sa terorismo, at dapat magbigay ang komunidad ng daigdig ng obdiyektibong pagpapahalaga para rito.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Amerika hinggil sa pagpapatigil ng tulong pangkabuhayan sa Pakistan.
Ani Geng, bilang matalik na estratehikong magkatuwang, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pakistan, para ibayo pang palalimin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa.