|
||||||||
|
||
Sina Xiao Qian at Andri Hdi
Jakarta, Indonesia-Isinumite Enero 3, 2018 ni Xiao Qian, bagong Embahador ng Tsina sa Indonesia ang kanyang kredensyal sa Ministring Panlabas ng Indonesia.
Ipinahayag ni Xiao na masaya siya sa kanyang panunungkulan bilang Embahador ng Tsina sa Indonesia. Inilahad niyang tumatahak ang Tsina sa landas ng sosyalistang may katangiang Tsino, batay sa planong pangkaunlaran na binalangkas sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng CPC, at ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Xiao na bilang mapagkaibigang magkatuwang at magkapitbansa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesia para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at ibayo pang pasulungin ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership, batay sa pagpapalakas ng mataas na pagpapalitan, pagpapalalim ng ugnayan ng pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Andri Hadi, Puno ng Protocol Department ng Ministring Panlabas ng Indonesia ang pagtanggap sa panunungkulan ni Embahador Xiao sa Indonesia. Aniya, nananatiling mainam ang relasyong Sino-Indones. Nananalig aniya siyang tiyak na gagawa si Embahador Xiao ng ambag sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |