|
||||||||
|
||
Ayon sa Bank Indonesia (BI), Bangko Sentral ng Indonesia, noong taong 2017, umabot sa 5.05% ang paglaki ng kabuhayan ng bansa. Mas mataas ito kumpara sa taunang paglaki na 4.9% at 5.02% noong taong 2015 at 2016 ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ni Agus Martowardojo, Gobernador ng BI na ang paglaki ng pambansang kabuhayan ay bunga ng pagbuti ng pagluluwas. Noong unang 11 buwan ng 2017, umabot sa 12 bilyong US dollar ang surplus ng kalakalang panlabas ng Indonesia.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |