Putrajaya, Malaysia—Ipinangako ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na hinding hindi susuko ang kanyang bansa sa terorismo.
Sa seremonya ng pagpipinid ng Putrajaya International Security Dialogue noong Sabado, Enero 6, 2018, sinabi ni Najib na laging ipinapauna ng Malaysia ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Ipinagdiinan din niyang sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig, malawakang sinusugpo ang Islamic State (IS). Pero, kailangan ding maging alerto ang bansa para maghandang lumaban sa mga terorista.
Ipinahayag naman ni Nur Jazlan Mohamed, Pangalawang Ministro ng Suliraning Panloob ng Malaysia sa nasabing diyalogo na mula taong 2013 hanggang 2017, labing-siyam (19) na tangka ng teroristikong atake na nakatuon sa Malaysia ang nalutas ng kapulisan ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio