Sinabi noong Linggo, Oktubre 8, 2017 ni Ahmed Zahid Hamidi, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Malaysia, na walong suspek na may kinalaman sa terorismo ang magkahiwalay na naaresto ng panig pulisya sa Selangor, Sabah, at Perak, sapul noong nagdaang Setyembre.
Binabalak daw nila ang pag-atake sa mga simbahan sa lokalidad.
Ayon sa panig pulisya, 4 katao ay Malaysian at ang iba pang 4 ay mga dayuhan.
Dahil sa matinding paglaban ng pamahalaan ng Malaysia sa anumang teroristikong aksyong may kinalaman sa Islamic States (IS), ipinatalastas ng ilang beses ng IS ang pagsasagawa ng teroristikong pag-atake sa bansang ito.
Noong ika-28 ng Hunyo ng 2016, inatake ng mga tauhan ng IS ang isang bar sa Selangor na nagresulta sa pagkasugat ng 8 katao. Ito ang unang teroristikong pag-atake sa loob ng bansang ito.