Sa kanyang talumpati kahapon, Biyernes, ika-12 ng Enero 2018, sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi ni Miroslav Lajcak, Pangulo ng UNGA, na ang isa sa mga mahalagang gawain ng organong ito sa taong 2018 ay pagpapasulong sa pagkakasundo ng palagay ng pamahalaan ng iba't ibang bansa hinggil sa Global Compact on Migration.
Sinabi ni Lajcak, na sa ika-20 ng darating na Pebrero ng taong ito, sisimulan ang talastasan hinggil sa nabanggit na compact. Umaasa aniya siyang magbibigayan ang iba't ibang bansa sa proseso ng talastasan, para magkaroon ng komong palagay hinggil sa compact sa darating na Hulyo, at pagtibayin ito sa UNGA sa Disymbre ng taong ito. Ito ay pangako ng iba't ibang bansa para sa sarili at mga mamamayan ng buong daigdig, dagdag ni Lajcak.
Salin: Liu Kai