Ipinahayag nitong Sabado, Enero 13, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-madaling nakuha ang kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, at dapat lubos itong pahalagahan ng iba't-ibang panig.
Ani Lu, sa mula't mula pa'y buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang naturang komprehensibong kasunduan. Aniya, ang kasunduan ay mahalagang bunga ng multilateralismo, at naging modelo ng paglutas ng mga mainit na isyung pandaigdig sa pulitikal at diplomatikong paraan.
Dagdag pa niya, ang paggarantiya sa pagsasakatuparan ng kasunduang ito ay may mahalagang realistikong katuturan para mapangalagaan ang kayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan at sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig. Ito rin aniya ay angkop sa pundamental na kapakanan ng iba't-ibang panig.
Salin: Li Feng