Vienna, Austria—Idinaos noong ika-13 ng Disyembre, 2017, ang Ika-10 Pulong ng Magkasanib ng Lupon ng Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran. Kalahok dito ang 6 na may kinalamang panig na gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya. Ang pulong ay pinanguluhan ni Helga Schmid, Pangkalahatang Kalihim ng European External Action Service (EEAS). Lumahok sa pulong sina Tom Shannon, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, Wang Qun, Direktor-Heneral ng Arms Control Division ng Ministring Panlabas ng Tsina; Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, at iba pang mga opisyal ng Rusya, Britanya, Pransya, at Alemanya.
Binigyan-diin ni Wang na matatag na kumakatig ang Tsina sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, at ito ay may mahalagang katuturan para sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan. Sa kasalukuyan, ang kasunduan ay nasa masusing yugto, at dapat magkakasamang magsikap ang anim na bansa, kasama ng Iran, upang sumunod sa pangako, aniya pa. Bukod dito, dapat din aniyang itatag ang pagtitiwalaan sa isa't isa, at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kasunduan.
Pinapurihan ng iba't ibang panig ang mabisang bunga ng pagpapasulong ng Tsina sa proyekto ng pagsasaayos ng Arak heavy water reactor, at pagbibigay ng abuloy na 1.5 milyong yuan RMB sa International Atomic Energy Agency (IAEA) .
salin:Lele