Idinaos Enero 16, 2018 sa Vencouver, Canada ang Foreign Ministers' Meeting hinggil sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, na inisponsor ng Amerika at Kanada. Binigyang-diin sa Pulong na dapat pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pagpapataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea. Kalahok dito ang mga dating may-kinalamang bansa sa digmaan ng Peninsula ng Korea.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 17, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay hindi lamang nagpapakita ng kaisipan ng cold war ng Amerika at Kanada, kundi makakasama rin sa pagkakaisa at katatagan ng daigdig. Ito aniya'y hindi makakatulong sa maayos na paglutas sa isyung nuklear ng peninsula, kaya, hindi sang-ayon sa pulong na ito ang Tsina, Rusya, at mga organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng United Nations(UN).
Sinabi ni Lu na palaging pinaninindigan ng Tsina na dapat lutasin ang isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, batay sa balangkas ng Six Party Talks at UN Security Council. Umaasa aniya siyang susuportahan ng ibat-ibang panig ang pagsisikap ng Hilaga at Timog Korea para sa pagpapabuti ng bilateral na relayson, at pahahalagahan ang kasalukuyang pagpapahupa ng kalagayan sa peninsula. Dagdag pa niya, pinatutunayan ng katotohanan, na ang pagpapataw ng sangsyon at pagbubukod ng mga bansang kanluranin laban sa Hilagang Korea ay hindi makakatulong sa paglutas sa isyung nuklear ng nasabing peninsula.