|
||||||||
|
||
Ayon sa Ukrainian media, dahil sa kakulangan ng pondo, ipinasiya ng United Nations (UN) World Food Programme (WFP) na suspendihin ang makataong tulong sa rehiyon sa gawing silangan ng Ukraine.
Ayon sa ulat, mabagal na sumusulong ang pangingilak ng mga kaukulang pondo, at ito ang pangunahing dahilan ng kakulangan ng pondo ng WFP. Posibleng manumbalik ang makataong tulong ng WFP sa nasabing rehiyon hanggang kalagitnaan ng kasalukuyang taon, dagdag pa ng ulat.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |