|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Disyembre 23, 2017, ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransya na sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas nang araw ring iyon nina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya tungkol sa situwasyon sa gawing silangan ng Ukraine, nanawagan sila sa mga kaukulang panig na agarang isagawa ang hakbangin upang mapahupa ang tensyon sa naturang rehiyon.
Ipinagdiinan ng pahayag na ang mapayapang paglutas sa isyu ng dakong silangan ng Ukraine ay tanging tumpak na paraan. Ipinahayag din ng pahayag ang mainit na pagtanggap sa pagkakasundo ng tatlong panig sa isyu ng Ukraine na pananatilihin ang kapayapaan at katahimikan sa nasabing rehiyon sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Bukod dito, nanawagan ang pahayag sa mga Russian officials na patuloy na manatili sa sentro ng magkakasanib na pagmomonitor at pagkokoordina sa dakong silangan ng Ukraine.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |